Thursday, June 3, 2010
Mid-days
tanghali na, kakain na..
gagana nanaman ang ngipin ko, baboy ang ulam, malaki ang tyansa na magka-tinga ako.
Wisdom Tooth
ngipain.blogspot.com..
bakit?
ang blogspot na ito ay tumutngkol sa ating mga ngipin.. alam mo yun? napapansin mo ba sila? ako kasi, OO
mahal mo ba sila? ako kasi, HINDI..
alam mo bang ang isang normal na tao ay may 32 (tatlumpu't isa) na ngipin sa loob ng bibig nya? kumpleto yan! merong yan INCISORS (yung unang apat na ngipin sa pinaka harap at bukana ng bibig), meron ding CANINES (yung tinatawag na "pangil" kung bampira ka, o kaya naman aso ka.. mahaba ang canines mo.), nandiyan din ang ating PRE MOLARS (yung dalawang ngipin sa likod ng pangil di ko alam kung para saan siya... siguro para ipahiwatig na kasunod na niya ang bagang), at ang huli, ang MOLARS (yung mga huling ngipin sa likuran nang bibig, ginagamit sa pag-nguya. kilala sa tawag na bagang).. Hindi pala huli yung molars.. meron pa tayong WISDOM TOOTH (isa lang ang alam ko sa wisdom tooth: ang sakit nya pag tumubo!)
wisdom tooth ang problema ko ngayon.. kung nalampasan mo na ang sakit nang pag-tubo nito.. congrats!.. kung hingi pa.. humanda ka! ewan ko ba kung bakit ginawa ng Diyos na ganun kasakit ang pagtubo ng wisdom tooh (kung siya nga ang gumawa nito).. ayon naman sa siyensya.. normal lang daw na ganun sya kasakit kasi napupunit ang ating gingiva (gilagid).. pero di ba dapat may hormone na pangontra dun! minsan talaga kulang ang siyensya!
sa totoo lang.. ayoko nang mag reklamo.. wala din namang mararating e! pati..di ko naman kasi mahal ngipin ko e! pero mahal na mahal nila ko.. kasi kahit di ko sila pinapangalagaan, hindi pa din sila nasisisra o kaya nabubulok.. unconditional love yata tawag dun!
parang yung tuta namin dito sa bahay dati... bata pa ko noon.. sinipa ko siya palabas ng aming bahay dahil nandididri ako sa dami ng garapata nya...bumalik siya.. at kiniskis niya ang mukha niya sa binti ko, hindi ako sigurado kung nangaasar lang siya o sinasabihan nya kong "sorry! gagawin ko ang lahat wag ka lang mahiwalay sa akin!!!". yun yung unconditional love diba?!
balik tayo sa usapang ngipin... bakit nga pala "Wisdom Tooth"?
sabi ng kalaro ko dati (kalaro ko nga ba yun?) tatalino ka daw kapag tinubuan ka nito parte daw kasi yun ng utak natin, yun daw ang nakapagpatalino kay Einstein. madaling paniwalaan ang kwento nya... kung TANGA ka.
sabi ko naman sa nanay ko: "ma! tinubuan na ko ng wisdom tooth, pero isa lang"
sumagot sya: "isa lang? bobo ka pa.. hindi ka pa wise" tapos tawa ng malakas.
sabi naman ng siyensya.. tumutubo daw ang wisdom tooth kapag labing lima (15) hanggang dalawamput limang (25) taong gulang na ang isang tao.. kaya siguro wisdom tooth.. kasi may wisdom na tayo pag dating natin sa ganyang mga edad.. ikaw ba, wise ka?
walang matinong opinyon ang gobyerno at ang relihiyon sa pag tubo ng wisdom tooth kaya di ko na sila masyadong babanggitin.
dalawang wisdom tooth na tumutubo sakin pero ang dami kong desisyon na hindi pinag iisipan,
dalawang wisdom tooth na tumutubo sakin pero hirap pa din akong kumilatis ng tama, mali, medyo tama, at medyo mali,
dalawang wisdom tooth na tumutubo sakin pero ang dami ko pading katangahan na habang buhay ko pag-sisisihan,
dalawang wisdom tooth na tumutubo sakin pero alam kong madami pang wisdom tooth ang dapat tumubo sa bibig ko para mabansagan akong "wise"
oo alam kong knowledgeable ako.. madami akong alam sa mga bagay bagay.. pero hindi ako wise! nasan na yung wisdom na pinapangako ng wisdom tooth? napakasakit mo pero wala naman akong benefit na nakukuha sayo! hindi ka worth it! ang daming nasasayang dahil sayo!
nasan na yun hiniling kong wisdom sa bawat ngipin na hinahagis ko sa bubugan?!
nasan na yung wisdom na hinihiling ko kapag nag wiwish ako sa pilik-matang lag-lag?!
nasan na yung wisdom na hiniling ko nung pang labing limang (15th) kaarawan ko?!
nakakapagod na humiling.. mukang hindi siya makukuha sa wish.. kailangan pag hirapan.. at sisimulan ko sa blog na to..
huling katanungan:
bakit kailangan niyong basahin blog ko?
bukod sa kaibigan ko kayo at pinilit ko kayong basahin to...
siguro kasi abusado tayo sa ngipin natin, siguro kasi di natin ganun kamahal ang mga ngipin natin, siguro kasi lahat tayo may "kwentong ngipin", siguro kasi di nating binibigyan ng sapat na credit o acknowledgement ang ngipin natin, siguro kasi lahat tayo may pag-durusang naranasan dahil sa ngipin natin, siguro kasi ang iba satin, minsan, pinagbubuntungan nang galit ang ngipin, siguro kasi ang iba satin may bulok na ngipin, siguro kasi ang iba satin may braces, siguro kasi ang iba satin may jacket ang ngipin, siguro kasi ang iba satin ginto ang ngipin, siguro kasi ang iba satin pilak ang ngipin, siguro kasi ang iba satin abnormal ang tubo at hugis ng ngipin, siguro kasi ang iba satin perpekto ang ngipin, siguro kasi ang iba satin kulang ang ngipin, siguro kasi ang iba satin kumpleto ang ngipin, siguro kasi LAHAT TAYO MAY NGIPIN.

Subscribe to:
Posts (Atom)